Picture

Ang R.A.D ay isang taunang event para sa mga independiyenteng artist at banda. Ito ay para maipakita ng mga musikero at mga artist ang kanilang mga natatanging galing sa kani-kanilang larangan.

Upang makasali:

Sa mga banda:
Maaari po lamang na magsend ng Band Picture, Song Sample at Band Profile sa manong.tsuper@gmail.com na may subject na "ROCK-A-DOODLE" . Ang mga mapipiling banda ay ilalathala namin dito sa jeepneymanila.tk , ngunit, subalit, datapwat.. sana ay lubusan ninyong maintindihan na hindi lahat ay maaaring mapili dahil sa bilang lamang ng bandang dapat ay makasali.

Sa mga mageexhibit:
Ang exhibit ay bukas sa lahat ng mahilig sa sining. Maaari ninyong ipasa ang inyong mga likha kasama ang inyong pangalan at lahat ng impormasyon ukol sa inyo. maaaaring paki-email ito sa allankalan1@gmail.com
Iaanunsyo din namin dito ang mga makakalahok.

Sa mga gustong Mag-Doodle:
Ang maaaring kasangkapan lang po sa gaganaping doodle ay COLORED PENTEL PEN. Sa mga Interesado maaaring paki-email lang po ang inyong mga halimbawa ng gawa sa manong.tsuper@gmail.com

PAALALA PO SA LAHAT:

Ugaliing bumisita dito sa jeepneymanila.tk araw-araw para sa iba pang anunsiyo o kung may maaaring pagbabago na magaganap depende sa mga Sponsors at iba pang organizer ng event na ito. Maraming salamat po.



-Jeepney.Manila-
 


Comments

06/01/2012 00:29

Thanks for information

Reply
07/11/2012 16:02

Many thanks for info

Reply



Leave a Reply